
Pangkalahatang ideya ng Wika ni Juan
Bakit nga ba naisagawa ang adbokasiya?
Ang Wika ni Juan ay naka pokus sa mga kabataan na limitado ang kaalaman patungkol sa wikang pangbansa. Lingid man sa kaalaman ng iba, mayroong 187 na diyalekto ang bansang Pilipinas, ngunit kasamaang-palad, apat dito ay hindi na ginagamit. Ang dahilan kung bakit ginawa ang “Wika ni Juan” ay dahil nais nitong tugunan ang mga suliranin na patuloy at maaring maging problema ng Pilipinas sa hinaharap na panahon.
Naging pokus ng Wika ni Juan ay ang mga kabataan at nasabing limitado ang kaalaman nito ay dahil sa (1) pag-dami ng diyalekto at iba-ibang klase ng wika na binubuo at nabubuo ng henerasyon ngayon. Isa sa mga ehemplo nito ay ang gay-lingo, taglish o mas kilalang conyo, jejemon at madami pang iba. Masasabing mula pa lang sa dami ng diyalekto ng ating bansa ay hindi imposible ang mga kabataan na hindi marununong magsalita ng Filipino. Pangalawa(2), mga guro ng asignaturang Filipino na lang ang mga nagpapalaganap ng pagmamahal sa wikang Filipino. Kapansin-pansin naman na mula pa lang sa “E.O.P” o English Only Policy na kadalasang isinasagawa sa mga eskwelahan, hindi na nabibigyang importansya ang wikang Filipino. Pangatlo(3), kadalasang ginagamit ang Ingles sa pagtuturo sa mga bata. Maaari din ihambing ang problema nito sa pangalawang problema. Ang pang-apat (4) at ang panghuli na dahilan ay ang language barrier na nabubuo dahil hindi lahat marunong magsalita ng wikang pambansa. Hindi man ito ganoon kahalata ngayon, ngunit kung titignan ito sa mas malakihang imahe at kung ihahambing natin ito sa sinabi ni Propesor Renato Constantino, kung saan nakasaad ang mga katagang “A leader that fails to understand the needs of masses…”, magiging malaking problema ito sa mga darating na araw.